| juno_athena ( @ 2005-05-24 12:12:00 |
Ano nga ba ang tama?
Kahapon, habang tumitingin ng lotion sa SM fairview, may sales lady na tumapik sakin. Ang sabi niya, "Ms. style ba yang damit mo?" Aba, akala ko may nakapansin na ang ayos ko manamit kahit mukhang nakapambahay ako. Ang sabi ko naman, "Oo style yan." Sabay sabi ng sales lady, "Ah, akala ko kasi baliktad eh." Pagtingin ko sa suot ko, sus, baliktad nga. Sa kakasukat ng damit, baliktad na noong nasuot ko ulit ang pantaas ko. Buti nalang plain yung kulay, mukha ngang style perho halata paring baliktad. Lumaki ang ngiti ko, sabay sabi sa sales lady, "Oo Miss, style yan." Kinuha ko ang sunscreen at umalis.
Pagpunta ko sa nanay ko, sabi ko, "Ma, tingnan mo, baliktad yung suot ko." Aba, pinagtawanan ako ng nanay ko. Di ko alam kung bakit 30 minuto kaming magkasama bago napansin nung sales lady yung damit ko, pero di niya napansin. "Dali, kunwari magsusukat ka ng damit, ayusin mo yan." Ngumiti lang ako. "Ayoko nga." Aba, napagalitan ako ng aking nanay. At dun ko naisip na itanong...
"Bakit kailangan parating tama ang suot natin?"
Aba lalo akong napagalitan! "Para maayos ang itsura mo. Pag baliktad ang suot mo, hindi maayos." Aba, ang lakas ng loob ko, sumagot ako. Paano, ako kasi nagbabayad sa mga damit na pinamili ko kaya di ko na kailangan manipsip.
"Eh kung sinabi ko ba naman na style yan, makakaangal ba sila? Pipilitin ba nila akong ibaliktad yung damit ko?"
Aba, nanahimik ng sandali si Ina, "Ah basta, kailangan tama parati yung suot mo."
Siguro naglalakad ako sa sm ng mga isang oras. Maraming tao, Linggo kasi. Sa katunayan, doon na kami sa dulo ng parking lot nakaparada. Bukod sa sales lady na nagsabi sa akin ng itsura ng damit ko, wala nang ibang nagtangkang magsabi.